Thursday, June 30, 2011

I.M.Y

sa mga oras na wala ka
akoy na ngungulila
sa oras na di ka kasama
namimiss kita sobra
madami ang bituin
di ko sila kaya bilangin
para akoy antukin
at matigil na ikay isipin
sarili koy di kaya libangin
at ang isip ko sa iba ibaling
sadyang kay hirap wala ka sa aking tabi
lungkot at lumbay ang aking kapiling
subukan mang ngumiti
nasa loob ang pighati
sapagkat aking minimithi
kasama ka araw man o gabi
sa isip ko ikaw ay suki
dun ka namamalagi
sa puso ko dun ka nakatira
awit nitoy mahal na mahal kita
muli nating pag kikitay pinananabikan
ating pag sasamay inaabangan
susulitin bawat oras
buong pag mamahal ay ipapamalas