Saturday, March 10, 2012

goal:D

kailan kaya ako papayat
mga bibil ko ay mawawala ng lahat
matapos na ang katakawan ko
ng mawala na ang mga tabang to
jogging pa siguro 
at isama ang diet sa vocabulary ko
sana mag away kami ng pagkain
at masabi ko sa kanya i hate you
nakaka down ang tiyan ko
lalo na  pag nag bobounce to
gusto ko nga ipa laypo
at patanggal nato
hirap maging mataba
mabigat na sa katawan
lalo na sa kalooban
kung sigaw ng iba tatangkad din ako
tandaan niyo
PAPAYAT DIN AKO :D 

i miss you everyday

sa araw na wala ka
bawat oras bawat sandali
hinahanap hanap kita
ninanais na ikay makapiling

hahanap hanap ka ng pusong uhaw
sa iyong pag mamahal na tunay
sabihin na nilang akoy hangal
hinihiling sa langit na ikay maaninag man lang

nangungulila ang puso ko
nalulungkot sa awitin nito
balakid ang distansiya
para harap hrapan kong masabing mahal kita

naway marinig mo
daing ng puso kong ito
hawakan mo ko at wag nang bibitawan pa
ayoko ko ng mawalay ka

ninanais bawat petsa sa kalindaryo
bawat segundo sa aking relo
makapiling ka
makasama ka
mahagkan ka
at mayakap ka