Friday, May 27, 2011

awit para kay MOO





Araw ko'y papanglaw 
kapag di ka matatanaw. 
Kahit saglit man lang 
Ika'y masilayan. 


Sa 'yo nga'y naghihintay. 
Sa pag-big mo hihimlay. 
Diyos ang Siyang pinagmulan 
Ating pagmamahalan. 




Chorus: 
Kahit pa magtatagal, 
Ako'y maghihintay 
Kahit ulitin pang muli 
Ang panahon na nagdaan. 
Hindi ako mapapagal, 
Di malulumbay. 
Aking tutunghayan 
Ang bawat oras man 
Alam ng Maykapal. 


Puso'y h'wag mangangamba 
Pagkat akoy walang  iba, 
puso ko'y nakapako na 
Sa 'yo lamang, aking sinta. 


Nais kong malaman mo 
Hindi ako mahihiyang 
Ipagsigawan sa mundong 
Mahal na mahal kita. 

No comments:

Post a Comment