Tuesday, March 27, 2012

nais ko mag pasalamat
sa iyong pag papatawad
sadyang madami pa akong pag kukulang
at maraming panget na ka tangian
pag usbong ng damdamin ay di mapigilan
ang mundo koy di ko na mahawakan
sapag kat sayo na ito umiikot
at ang pag ibig mo ang siyang bumabalot
puso koy uhaw sa kalinga
sa tunay na pag mamahal at pag aaruga
sabay ng galak at saya
sa buhay koy dumating ka
binuhat mo ang pagod kong puso
ginamot mo at kinupkop
binigyan ng panibagong buhay
na masaya at puno ng kulay
puso koy puso ng pasasalamat
i love you moo


Tuesday, March 20, 2012

^_^

kay bilis ng panahon anung petsa na ngayon
kay bilis lumipas ng kahapon
ayos yan umaayon sakin ang takbo ng panahon
mabilis tayong makakalimang taon
kaylangan ko na mag ipon
para ang bahay masimulan sa lalong madaling panahon
kaylangan na mag sipag atmag banatng buto
para masunod ko lahat ng pinapangarap mo
maghintay kalang darating din tayo sa tamang panahon
pwede na rin kaya kung bukas na yon?
marahil di ko pa kaya
ayaw ko makitang mag hirap ka
kaya abutin natin angating mga pangarap
tsaka tayo gagawa ng pamilyang matatag
excited na ko....
i love you moo

Thursday, March 15, 2012

tadhana

hindi ko alam kung papano
sa dinami dami ng tao sa mundo
matatagpuan ko ang isang katulad mo
na mamahalin ko ng buong puso

tadhanay napakahiwaga
di mo maiiwasan ang mga naka takda na
bawat mang yayari kapakapanabik
di mo malalaman kahit magsaliksik

mag padala na lang sa alon ng buhay
isunod ang buhay sa Diyos na buhay
anu mang naka takda sa susunod na kabanata
ating aabangan at tutunghayan
siguradong maganda yan
wala tayong ending pero happy yan!



Wednesday, March 14, 2012

im so happy 
feeling daddy
instant daughter
gives me a huge laughter
i want to build my own family
but i cant according to my state
im not ready
for a big responsibility
i dont have a job
i cant buy what you have
we will die
in hunger 
thats why i know
even though i want
but i cant
love is not a word only for a sweet romance
sometimes it needs to sacrifice
need to wait
for a exact timing
for the sake of the one you love
i need a house 
Lord i know you will provide
you are a big God 
who will provide all that i need






Tuesday, March 13, 2012

from Ephraim Joy E Guerrero

hold me closer
make it tighter 
lets walk together 
lets do it forever
every single day
every minute every second
i miss you 
im longing for you
it is so clear
no doubt no fear
i love you so girl
im your faithful lover
bind by love 
mold by the memories we have
we have a abiding relationship
stronger than a battle ship 
sometimes i melt
many times i die
with your precious eye
i cant tell a lie
im so in love with you
my only one true love
i adore you.

To Miriam O. Saludaga , RN.

Sunday, March 11, 2012

fling fling

sarap ata mag piling
kahitang oras ay maikli
akoy tatay kunyari
at ikaw ang aking missis
meron pang kasamang baby
nahiram lang sandali
marami pa kong dapat matutunan
mga bagay nadapat maunawaan
batid ng aking kaisipan
dibasta basta ang bagay nayan
may kaakibat na responsibilidad
na di ko pakaya ng ganitong idad 
mga payo ng magulang ay susundin
mga pangaral nila ay gagayahin
sa pag dating na araw na yaon
sisiguraduhin kong handa ako 
para sa biyaya ng panginoon
mga sanggol na isisilang ni moo
ipag kakaloob niya sa tamang panahon
5 yun kaya kay langan pag handaan ko yun :D

Saturday, March 10, 2012

goal:D

kailan kaya ako papayat
mga bibil ko ay mawawala ng lahat
matapos na ang katakawan ko
ng mawala na ang mga tabang to
jogging pa siguro 
at isama ang diet sa vocabulary ko
sana mag away kami ng pagkain
at masabi ko sa kanya i hate you
nakaka down ang tiyan ko
lalo na  pag nag bobounce to
gusto ko nga ipa laypo
at patanggal nato
hirap maging mataba
mabigat na sa katawan
lalo na sa kalooban
kung sigaw ng iba tatangkad din ako
tandaan niyo
PAPAYAT DIN AKO :D 

i miss you everyday

sa araw na wala ka
bawat oras bawat sandali
hinahanap hanap kita
ninanais na ikay makapiling

hahanap hanap ka ng pusong uhaw
sa iyong pag mamahal na tunay
sabihin na nilang akoy hangal
hinihiling sa langit na ikay maaninag man lang

nangungulila ang puso ko
nalulungkot sa awitin nito
balakid ang distansiya
para harap hrapan kong masabing mahal kita

naway marinig mo
daing ng puso kong ito
hawakan mo ko at wag nang bibitawan pa
ayoko ko ng mawalay ka

ninanais bawat petsa sa kalindaryo
bawat segundo sa aking relo
makapiling ka
makasama ka
mahagkan ka
at mayakap ka


Friday, March 9, 2012

oath meal

kay sarap pag masdan
kasama kasapag sikat ng araw
hangangsa pag lubog nito
nandito ka satabi ko
sa iyong panunumpa
di ko mawari ang saya
tagumpay moy akin din
kaligayahan mo ang aking hangarin
aking dalangin
sa Diyos aking hiling
ikay pag palain
kinabukasan moy kanyang maniubrahin
bigyan ka ng lakas tapang
at katalinuhan na galing sa kanya
pag iingat at kalinga 

eto ako si ephraim guerrero
nanunumpa na mamahalin ka ng buong puso
at ng buong katapatan at laging sususporta sayo
ngayon at magpakailan man.



Thursday, March 8, 2012

wrong text

pusoy puno ng pangamba
anu ba ang aking nagawa
nagpatalo sa maling akala
baka magalit ang iyong ina
pusoy malakas ang kabog
sa kabay parang madudurog
akoy nag aalala sa iyo
pinaka mamahal kong babae sa mundo
hindi ko na uulitin
pagkakamaliy ayaw ng sariwain
akoy nababagabag
na ngungusap ang pagkabalisa sa aking utak
hindi naman kita mapagtanggol
sa harapan ng magulang mo tila akoy isang sanggol
akoy mag darasal na lamang
sandata ko sa lahat ng laban
Panginoon ko.
ingatan mo ang aking minamahal.......

Wednesday, March 7, 2012

bata bata kami muna mag lalaro:D

napaka saya
umuulan ng ligaya
bumalik sa bata
tinignan ang ala ala
gumamit ng time machine
nag laro tayo ng jolen
nung nag hamon ako
alam ko naman ako ang matatalo
ikaw naman talaga ang asin tado
lakas nga ng tama ko sayo
na asinta mo ang  puso ko
parang napana ni kupido
  iba talaga pag nag kaka edad na
jolen na lang hirap na hirap kana
para kong basketballl
nung bata ko di napapagod kahit mag hapon
bakit kaya  ganun?
anung paliwanang nang syensiya dun?
ayaan mo na nga
basta masaya angaraw na to
masayang masaya ako

Tuesday, March 6, 2012

i miss you

hinahanap hanap
inaasam bawat yakap
mga dampi ng iyong kamay
damang dama ang pagmamahal

bawat oras
bawat araw
ninanais makapiling ka
sa bawat galaw
anumang ginagawa
ang nasa isip koy ikaw

sanadi kana mawalay
habang buhay hawak ang iyong kamay
hindi ka bibitawan
anumanang pag daanan
gusto parati kang nasa tabi
parang nanay na nakabantay sa baby:D

Monday, March 5, 2012

time run faster than fast food

buong araw ay napaka saya
napag usapan ang nakalipas na
mga bagay na di alam ng isat isa
mga paraan kung paano ako pumorma

napansin mo ba?
nakita mo ba?
kay bilis ng panahon
eto na tayo ngayon

kay daming pinag daanan
lahat ay ating nalagpasan
pinatibay ng pagsubok
ang pagmamahal na satiy nag buklod

kay sarap alalahanin bawat gunita
kasayahang walang humpay
kay sarap isipin bawat pangarap natin
buong lakas at tapang nating tutuparin

kay bilis  ng panahon
hindi ko na mahabol
kay bilis ng panahon
hangang tingin lang ako noon :D