Saturday, March 10, 2012

i miss you everyday

sa araw na wala ka
bawat oras bawat sandali
hinahanap hanap kita
ninanais na ikay makapiling

hahanap hanap ka ng pusong uhaw
sa iyong pag mamahal na tunay
sabihin na nilang akoy hangal
hinihiling sa langit na ikay maaninag man lang

nangungulila ang puso ko
nalulungkot sa awitin nito
balakid ang distansiya
para harap hrapan kong masabing mahal kita

naway marinig mo
daing ng puso kong ito
hawakan mo ko at wag nang bibitawan pa
ayoko ko ng mawalay ka

ninanais bawat petsa sa kalindaryo
bawat segundo sa aking relo
makapiling ka
makasama ka
mahagkan ka
at mayakap ka


No comments:

Post a Comment