Saturday, June 1, 2013

sanay wala ng wakas

marami nang araw ang lumipas 
ilang buwan na ang kumupas
may mga tampuhan 
iyakan kwentuhan at tawanan
may mga problemang muntik na di malusutan
may mga pagsubok na pilit na nilabanan
maraming pangayayari na di malilimutan
mga kaganapang di mabubura ng sinuman

sa pag tanaw sa kahapon
sa pag alaala ng noon
sinasariwa ang wagas na pagmamahalan
ninanamnam ang bawat kaganapan
sabay dalangin sa may kapal
nawa ang pag ibig ay di na mag wakas




No comments:

Post a Comment